KALIBO, Aklan- Umabot na sa 33 ang kaso ng COVID-19 sa Kalibo nitong Setyembre 24, ayon sa rural health unit. Labintatlo rito ay gumaling na.
Anim naman ang namatay.
Sept. 24, 2020: Total Number of Covid-19 Positive cases: 33 Total Number Recovered : 13
Posted by Kalibo Public Affairs on Wednesday, September 23, 2020
Karamihan sa mga biktima ay mga frontliners na pawang nagtatrabaho sa Dr Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital o mas kilala sa tawag na provincial hospital.
Samantala, dahil marami ang apektado ng COVID-19 sa naturang hospital, pansamantala munang ipinasara ng Provincial Health Office ang bagong bukas na molecular laboratory. Ilan kasi sa naging staff ng nasabing laboratoryo ay nahawaan na ng nasabing karamdaman.
Limitado rin ang operasyon ng nasabing hospital at pawang mga emergency cases at outpatient lamang ang siniserbisyohan.
Nitong Biyernes ay umabot sa 299,361 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang mga gumaling ay 232,399 na, habang 5,196 ang namatay, ayon sa Department of Health. —KG, GMA News