Nagtayo ng barong-barong sa isang burol kung saan malakas ang internet signal ang apat na magkakaibingang mag-aaral sa South Cotabato para sa kanilang online learning.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing nahihirapang kumuha ng internet signal ang magkakaibigan kaya nagpasya silang magtayo ng barong-barong sa isang burol sa Lake Sebu.
Gawa umano ang barong-barong sa kawayan at dahon ng niyog.
Minsan, doon na rin umano natutulog ang mga magkakaibigan tuwing lumalakas ang ulan o sa mga pagkakataong matagal ang pag-download na mga school requirement.
At dahil dito, nagdala na rin sila ang mga gamit sa pagluluto sa kanilang barong-barong. —LBG, GMA News