Pinagtataga ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang kabayo at tatlong baka sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque.
Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes na hinala ng may-ari napagtripan lamang ang kanyang mga alaga dahil wala naman daw siyang nakaalitan.
Dagdag pa ng may-ari, pinatay na lamang nila ang isa sa tatlong baka dahil sa malubhang mga sugat nito.
Hirap naman sa paglalakad ang kabayo at ang dalawa pang baka dahil sa matinding sugat sanhi ng pananaga. —LBG, GMA News