Pinatay sa labas mismo ng kaniyang bahay ang isang dating vice mayor sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental at pinaghihinalaang pulitika ang motibo sa krimen.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing sa harap ng bahay lamang binaril ng mga nakamotrsiklong salarin si dating vice mayor Kent Divinagracia, 45-anyos.

Pinagbabaril ang biktima habang nasa loob ng kaniyang kotse, ayon sa ulat.

Pulitika ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga pulis na maaaring motibo sa krimen dahil balak umano ng biktima na tatakbo sa dararing ng 2022 election. —LBG, GMA News