KALIBO, Aklan - Pansamantalang isinara ang ilang sections ng Dr Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) matapos mag-positibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng nasabing hospital.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO), ang pagsasara ng ilang sections ng ospital ay gagawin hanggang Setyembre 17 para sa disinfection.
Base sa datos ng PHO, umabot na sa 35 na COVID-19 infections ang naitala sa probinsiya.
Sa nasabing bilang, halos 12 ang active, isa ang namatay habang ang iba ay gumaling na.
Ang DRSTMH ay ang solong ospital sa Aklan na nangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.
Samantala, dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19, pansamantala munang ipinahinto ang pagpapauwi ng mga locally stranded individuals sa Aklan.
Advisory New guidelines on LSIs as per IATF-EID
Posted by Aklan Province on Monday, September 7, 2020
Sa munisipalidad ng Numancia naman, may naitalang isang kaso ng COVID-19 nitong Martes, kung kaya't umabot na sa lima ang bilang ng mga kaso sa lugar.
Posted by Aklan Province on Tuesday, September 8, 2020
—KG, GMA News