Arestado ang dalawang tindero na nahuli sa aktong nagbebenta ng mga bayawak sa Pampanga.
Ibinebenta ng mga suspek ang mga bayawak ng P300 hanggang P900 depende sa laki, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.
Galing daw sa palaisdaan ang mga bayawak.
Tinanggalan pa ng mga ipin ang mga bayawak.
Sinagip na ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources - Region III ang 11 na bayawak mula sa mga suspek.
Dinala na ang mga bayawak sa Clark, Pampanga para sa rehabilitasyon bago ito pakawalan.
Dahil itinuturing na kabilang sa threatened species ang bayawak, ipinagbabawal ang pagbebenta, panghuhuli at pag-aalaga sa mga ito.
Wala pang pahayag ang mga suspek. —KG, GMA News