Arestado ang apat na tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil umano sa pagsusugal sa oras ng trabaho, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Naglalaro raw ng tong-its ang apat sa loob ng Zamboanga City International Airport.
Bago nito, marami na raw natatanggap na reklamo mula sa mga pasahero tungkol sa mga nagsusugal na tauhan ng CAAP Security Intelligence Service. Minsan ay umiinom pa raw ang mga ito ng alak.
Matapos mahuli ay binigyan ang apat ng warning na huwag na silang uulit. Wala silang ibinigay na pahayag. —KBK, GMA News