Isang namumulot ng mga maibebentang basura ang nakakita sa isang buhay na bagong silang na sanggol sa isang creek sa Bacoor, Cavite. Hindi pa raw napuputol ang pusod ng sanggol at puno ng dumi nang matagpuan. Makaligtas kaya ang munting anghel? Panoorin.
Kuwento ng nangangalakal ng basura na si Raymond, inakala niyang manika ang sanggol kaya niya nilapitan para sana iuwi para mapaglaruan ng kaniyang mga anak.
Pero nang lapitan niya ang inakala niyang manika, isa pala itong bagong silang na sanggol na pinaniniwalaang nasa 30 minuto hanggang isang oras nang nasa maruming kanal.
Katunayan, kinailangang putulin na muna ang pusod ng bata para maihiwalay sa inunan na puno na rin ng dumi bago dinala sa klinika ang bata.
Tunghayan sa video na ito ng "KMJS" kung nakaligtas kaya ang munting anghel at kung matutukoy kaya kung sino ang kaniyang ina? Panoorin.
--FRJ, GMA News