Sa gitna ng patuloy na banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), ilang bagong silang na sanggol ang pinangalanang "Covid."

Isa na rito ang healthy baby girl na si Covid Lorraine na isinilang sa Magpet, North Cotabato, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.

Covid Rose naman ang ipinangalan sa isang sanggol sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kahit napapanahon ang kanilang pangalan, maaari namang maging tampulan ng tukso ang mga sanggol sa paglaki nila dahil marami ang namatay at tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Kaya naman nag-iisip ang kanilang mga magulang na palitan ang kanilang pangalan. -Jamil Santos/MDM, GMA News