Patay ang isang Grade 11 student matapos saksakin sa harap ng kanilang paaralan sa  Bacolod City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Base sa imbestigasyon, kalalabas lang ng paaralan ng 16-taong gulang na biktima nang pagsasaksakin siya ng suspek na si Raymar Carmelotes.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay rin dahil sa sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nahuli si Carmelotes. Nakuha rin ang kutsilyong ginamit niya sa krimen.

Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil masama ang loob niya sa biktima.

May utang daw kasi ito sa kanyang kapatid. —KBK, GMA News