Isang 3-taon gulang na bata sa Badoc, Ilocos Norte ang nagsuka matapos makakain ng lollipop na nasa condom wrapper, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa ina ng bata, nabili umano ng bata ang lollipop sa  kapitbahay nila.

Nakarami na raw ng kain ang anak nang mapansin niyang condom wrapper ang balot ng lollipop.

Inaalam na kung sino ang manufacturer ng nabiling lollipop.

Sinusuri na ito ng municipal health office. —KBK, GMA News