Pinagtataga hanggang sa mapatay ng anak niyag lalaki si Meliton Aquiman, 63, sa Misamis Oriental.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, saloob mismo ng kanilang bahay nangyari ang pananaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sinasaktan ng lasing na si Meliton ang kanyang asawa at anak nilang na babae.

Dito na umano nagdilim, ang paningin ng anak na lalaki na si Maski at pinagtataga ang tatay.

Ayon sa suspek, dati na silang sinasaktan ng kanilang tatay

Hindi maghahain ng reklamo ang pamilya, pero kakasuha pa rin ng mga pulis ang suspek. —LBG, GMA News