Inoperahan ang isang anim na buwang gulang na sanggol matapos siyang aksidenteng mapana sa ulo ng kaniyang kapatid sa Rizal, Palawan.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, inilahad ng ama ng biktima na kasama niya ang kaniyang 11-anyos na anak.

Habang naghahanda sila sa pagpapalaot, aksidenteng nakalabit ng bata ang pana at tumama sa ulo ng kapatid na sanggol.

Nasa maayos na kondisyon na ngayon ang sanggol nang maoperahan, ngunit nananawagan ang pamilya ng tulong-pinansiyal. —Jamil Santos/LDF, GMA News