Pinayuhan ang mga magsasaka na patubigan ang kanilang mga palayan at maglagay ng light trap sa gabi matapos sumalakay ang mga black bug sa ilang palayan sa Zamboanga City.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabi ng city agriculturalist na inaatake ng mga black bug ang tangkay ng mga palay kaya natutuyo ang mga ito.

Ayon sa ulat, nasa sampung barangay na raw ang apektado ng mga peste.

Sinabing pahirapan ang pagpatay sa mga black bug dahil palipat-lipat ang mga insekto.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News