Sa muling pagbubukas ng turismo at pagluluwag sa travel restrictions, mangangailangan umano ng libu-libong manggagawa ang bansang Israel.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing nasa 10,000 na laborer at 800 hotel workers ang binuksang trabaho sa Israel.
Ginawa ito ng Israel kasabay ng pagluluwag nila sa travel restrictions at pagbubukas ng kanilang tourism industry na naapektuhan din ng COVID-19 pandemic.
Iminumungkahi rin umano ang pagtanggap nila ng mga estudyante na sasailalim sa OJT (on the job) training program.
Una rito, inihayag naman ng Taiwan, na 450 teaching position ang kanilang binuksan para sa mga dayuhang English teacher.
Ang mga papasa ay posibleng tumanggap daw ng buwanang sahod na NT$62,720 o katumbas ng mahigit P115,000.00.
--FRJ, GMA News