Niluwagan na ang patakaran sa pag-quarantine ng mga bibiyahe sa Pilipinas na manggagaling sa mga tinatawag na "green country" o mababa ang kaso ng COVID-19 basta fully vaccinated na sila.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan lang magpakita ang manlalakbay ng negative result ng kanilang RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 hours bago ang kanilang biyahe.
Kapag naipakita rin patunay na fully vaccinated sila, maaari na silang mag-home quarantine ng 14-araw, sa halip na sa mga pasilidad na mag-quarantine.
Ang mga bansa na nasa listahan ng "green countries" ay:
- American Samoa
- Burkina Faso
- Cameroon
- Cayman Islands
- Chad
- China
- Comoros
- Republic of the Congo
- Djibouti
- Equatorial Guinea Falkland Islands (Malvinas)
- Gabon
- Hong Kong (Special Administrative Region of China)
- Hungary
- Madagascar
- Mali
- Federated States of Micronesia
- Montserrat
- New Caledonia
- New Zealand
- Niger
- Northern Mariana Islands
- Palau
- Poland
- Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands)
- Saint Pierre and Miquelon
- Sierra Leone
- Sint Eustatius
- Taiwan
- Algeria
- Bhutan
- Cook Islands
- Eritrea
- Kiribati
- Marshall Islands
- Nauru
- Nicaragua
- Niue
- North Korea
- Saint Helena
- Samoa
- Solomon Islands
- Sudan
- Syria
- Tajikistan
- Tanzania
- Tokelau
- Tonga
- Turkmenistan
- Tuvalu
- Vanuatu and
- Yemen
Ang mga unvaccinated o partially vaccinated minor children na kasama ng kanilang fully vaccinated parents o guardian ay dapat sundin ang quarantine protocols sa kanilang vaccination status.
Ang mga hindi makasusunod sa nabanggit na mga patakaran ay kailangan pa ring sumailalim sa mandatory quarantine sa mga pasilidad. Dapat magkaroon silang ng negative RT-PCR test result na kukunin sa ikalimang araw ng kanilang quarantine period.
Ang mga dayuhan, kailangang kumuha ng kanilang hotel reservations nang hanggang anim na araw.
Sa validation ng COVID-19 vaccination status ng overseas Filipino workers at kanilang asawa, magulang, at anak na bibiyahe sa Pilipinas o sa ibang bansa, non-OFWs vaccinated sa bansa o abroad, at dayuhan na bakunado sa Pilipinas ay maaaring magpakita ng VaxCertPH digital certificate, Bureau of Quarantine (BOQ) / World Health Organization (WHO)–issued International Certificate of Vaccination (ICV) o Prophylaxis, o ang national digital certificate ng bansa kung saan sila nabakunahan.
Sa mga dayuhan na nabakunahan sa ibang bansa, maaari nilang ipakita ang WHO-issued ICV, o ang national digital certificate sa bansa na kinilala ang VaxCertPH.—FRJ, GMA News