Ilang taon na tiniis ni Michelle Valenzuela ang kalbaryo sa piling ng kaniyang mister dahil sa kagustuhan na manatiling buo ang kaniyang pamiya. Pero isang araw, nagpasya siya na hiwalayan ang asawa at magtrabaho sa ibang bansa para buhayin ang anim nilang anak.
Pero hindi rin naging madali ang buhay ni Michelle nang magtrabahong kasambahay sa Saudi Arabia dahil minamaltrato siya at hindi pinapakain nang maayos ng kaniyang amo.
Ngunit nang malaman ng kaniyang amo na ang lahat ng kaniyang pagsasakripisyon ay para sa kaniyang mga anak na naiwan sa kanilang lola sa Pilipinas, nagbago at gumanda ang pakikitungo nito sa kaniya.
At kasabay ng pagbuti ng kaniyang kalagayan bilang OFW sa abroad, unti-unti na ring nagbago ang kaniyang hitsura at gumanda ang awra.
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang buong kuwento ni Michelle sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas, at ang hangarin niyang makita ang isa niyang anak na napilitan siyang ipaampon noon dahil sa kanilang kahirapan. Panoorin.
--FRJ, GMA News