Isang OFW na pauwi sana ng Pilipinas ang ngayoy sampung araw nang stranded sa airport mula sa bansang Indonesia at ngayoy sa Ethiopia.

Sa ekslusibong panayam ng GMA News sa OFW na si Ivy Luz Quintin, sinabing nagsimula ang kanyang kalbaryo ng naiwanan sIya ng flight mula sa bansang Indonesia patungong Malaysia.

Late daw ng dumating ang eroplano na kanyang sinakyan galing sa Ethiopia, kaya hindi na siya nakasakay sa susunod sana niyang flight.

Wala raw siyang nagawa kundi maghintay ng tulong na makakuha sIya ng flight pauwi ng Pilipinas.

Inabot daw siya ng walong araw sa airport sa Indonesia kaya pinasakay daw siya ng eroplano pabalik ng bansang Ethiopia.

"Andito po ako ngayon sa Ethiopia, two days na akong stranded galing po ako ng Indonesia, eight days naman akong stranded sa Indonesia.

Ibinalik po nila ako ng Ethiopia kasi hindi ko kaya mag provide ng ticket pauwi ng Pilipinas" ayon pa kay Quintin.

Sinabi ni Quintin na tatlong connecting flights anya ang binili ng amo na ticket sa kanya para makauwi ng Pilipinas.

"Galing po ako ng Jeddah, nang dahil sa pandemya binigyan po Ako ng amo ko ng ticket na may connecting flight, Jeddah to Ethiopia, Ethiopia to Indonesia, Indonesia to Malaysia, at Malaysia to Phillipines. Stranded po ako."

Sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Cacdac na tutulungan nilka makauwi ng Pilipinas ang na stranded na OFW. —LBG, GMA News