Ligtas na at nasa pangangalaga na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi ang OFW sa nag-viral na video ng pananakit ng amo nitong mga nakaraang araw.
"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nag-share ng video ko at nag dasal sa akin na maligtas ako mula employer ko. Kahit paano ay may nagmamahal pa pala sa akin," pahayag ni Ara (hindi tunay na pangalan).
"Nagpa salamat din po ako sa dalawang arabo na tumulong sa akin at yung pulis dito sa Saudi Arabia at sa POLO-OWWA sa Alkhobar. Andito na po ako sa POLO OWWA," pahayag ng nasabing OFW nang makapanayam ng GMA News nitong Lunes.
Hindi raw nya makakalimutan ang pananakit ng kanyang amo at mabuti na Lang daw ay nagawa nyang mai-record sa mobile phone na kanyang inilagay sa isang cabinet kung saan kitang-kita ang pananakit sa kanya.
Paliwanag ng biktima, kasalukuyan daw syang nagluluto noong gabi na iyon ng Sabado nang simulan siyang hampasin ng walis at kamay ng kanyang among lalaki.
Hindi raw siya lumaban at tiniis niya ang pananakit ng kanyang employer.
"Malakas po [pananakit ng amo], nagluluto po ako nung time na yun 'di ko po akalain na kukuha po sya ng walis tapos hinahampas niya sa, likod ko," kwento ni Ara
Mabuti na lang daw at na set up nya ang video camera ng kanyang phone dahil Alam daw niya na bubugbugin siya ng kanyang amo tulad ng mga na unang pananakit sa kanya.
Agad daw nyang in upload sa social media ang video pagkauwi nila sa bahay ng nanay ng kanyang amo.
Nakarating daw agad sa kaalaaman ng kanyang among babae ang nag-viral na video Kaya nagkagulo na daw sa kanila noong gabing yun ng kumprontahin na siya ng kanyang mga amo.
Nakaramdam na raw sya ng panganib ng gabing iyun, lalo na ng makita raw nya ang isang plantsa na inilabas ng kanyang among babae na parang gagamitin daw sa kanya. Kaya bago pa raw mangyari yun ay tumakas na sya ng makakuha ng tyempo ng pinagtapon siya muna ng basura sa labas.
"Balak nya ako plantsahin nung time na yun kasi pinahubad na ako nasa kwarto na kami tapos Naka prepare na yung plantsa tapos hindi na tuloy yun kasi bigla tumawag yung amo ko lalaki dahil uuwi na raw kami sa bahay," kwento ni Ara.
Pagkatakas ay nagtago daw muna sya sa isang buhanginan para hindi makita dahil nasundan na daw sya ng kanilang driver.
Nang makakuha ng tyempo ay muli daw siyang nagtatakbo hanggang makakita ng isang restaurant kung saan may dalawang Arabo na kanyang nahingan ng tulong na siyang tumawag ng pulis para siya maligtas.
Nakakulong na daw ang kanyang among lalaki habang nagmamaka awa naman daw ang kanyang among babae at nag offer ng halaga para maiurong ang kanyang kaso.
Sinabi naman ni Labor Attache Hector Cruz ng POLO-Alkhobar na papanagutin nila ang amo ni Ara sa ginawang pananakit. —LBG, GMA News