Handang sumunod ang mga Pinoy na nasa France sa sandaling magpasya ang gobyerno doon na muling magpatupad ng lockdown dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ang mga medical expert sa France ang nanawagan ng ikatlong lockdown, pero nagpasya si President Emmanuel Macron na isara na lang ang border ng kanilang bansa para pigilan ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa mga kalapit nilang bansa.
“Ready po kami ng asawa ko na sumunod sa rules and regulations ng government ng France,” sabi ni Angela Castillo Etherton, 38-anyos na Pinoy auto entrepreneur sa France.
“At this moment, hindi namin alam if ano ang decision ng government ng France about sa next lockdown. I am a foreign resident in France that’s why we follow the rules,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay Jacob Tundagui, 41-anyos, dati na nilang naranasan sa France ang mas mahigpit na kautusan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“If that’s the only way to control this virus then so be it. We’ve been into stricter health measures so I’m more than ready. It’s going to be tough but we rely on the health ministry and government for such measures since they have all the data to get to that decision. But if we can avoid a lockdown, then better,” paliwanag niya.
Hindi man handa, mauunawaan at susunod din si Katherine Sarabia sa ano mang pasya ng pamahalaan ng France.
“Honestly speaking, I am not ready especially if it would be a total lockdown same as the first one. Means we can't work. And I am not like others who have a chômage that even though they are not working, they are paid 80% by the government,” pahayag ni Sarabia, 36-anyos.
“But since last week, I started to buy stock of food just in case there would be an announcement of lockdown. I respect and understand the government’s decision as I also find it necessary,” dagdag niya.
Hanggang nitong February 4, nakapagtala ang France ng 3.25 million COVID-19 cases; 228,472 recoveries; at 77,595 ang nasawi. —FRJ, GMA News