Makaraang ang tatlong linggong gamutan, negatibo na ang resulta sa COVID-19 test sa isang Pilipina at anak niyang mahigit isang-taong-gulang sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa embahador ng Pilipinas sa UAE, ang naturang anak ng Pinay ang pinakabatang COVID-19 survivor sa UAE, saad sa pahayag ng inilabas ng Department of Foreign Affairs.
Bahagyang sintomas lang umano ng sakit ang nakita sa Pinay, habang wala namang sintomas ang kaniyang anak. Pero nang kapwa sila suriin ng Health Services Company (SEHA) sa Abu Dhabi, nagpositibo sila sa virus.
Sinabi ni Ambassador Hjayceelyn Quintana, na kilala na niya noon pa man ang mag-ina, nang isilang ang bata na tatlong buwang premature.
Itinuring niyang "miracle" baby ang bata, kaya labis siyang nasisiyahan sa panibagong milagrong nangyari sa anak ng Pinay.
Sinabi pa ni Quintana, na dama rin nilang mga Pilipino sa UAE ang epekto ng COVID-19. Kaya naman labis ang kanilang kasiyahan sa magandang balita sa tuwing may mga gumagaling na Pilipino na tinamaan ng virus.
"At the same time, we join the families in mourning the loss of those Filipinos in UAE who succumbed to the virus,” ayon pa kay Quintana.
“While mobility restrictions are starting to ease, now is the time for continued caution and not for complacency. I therefore urge all Filipinos in the UAE to remain vigilant in exercising COVID-19 precautions such as hand-washing, wearing of facial masks, social distancing, and avoiding going outside one’s home unnecessarily,” paalala niya.
Sa Twitter post ng DFA nitong Huwebes, sinabing 21 kaso ang nagdagdag sa listahan ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19 para sa kabuuang bilang na 1,922.
7 May 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) May 7, 2020
Of the 46 countries and regions with confirmed COVID-19 cases among overseas Filipinos, the DFA reports today a total of 1,922 cases (473 DOH IHR verified), of which are 21 new confirmed cases, 34 new recoveries mostly recorded from the Asia and the Pacific and (1/3) pic.twitter.com/yOYQ2w4sfY
Nadagdagan naman umano ng 21 ang gumaling para sa kabuuang bilang na 557; habang pito ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw na umabot na ngayon sa 222.--FRJ, GMA News