Nauna mang naghayag na ang "Huling El Bimbo" na ang kanilang pinakahuling reunion concert sa Pilipinas, nagpahiwatig naman ang Eraserheads ng world tour sa susunod na taon.
"I would like to think it's the final reunion in the Asia Pacific region," sabi ng bassist ng banda na si Buddy Zabala sa Stand For Truth report ni Nika Roque.
Inihayag din ng iba pang miyembro ng Eraserheads ang kanilang saloobin sa kanilang huling reunion.
"It's funny," sabi ng drummer na si Raymund Marasigan.
"Serious," biro naman ng lead guitarist na si Marcus Adoro.
Ayon sa concert producer at president ng WEU Productions na si Francis Lumen, kasama sa itatampok sa Huling El Bimbo sa Disyembre 22 ang isang hologram ng namayapang rapper na si Francis M.
"On December 22, we are going to revive him and you will see him perform with the Eheads through the technology of hologram," sabi ni Lumen.
"We are going to attempt to make some historical achievements that no other local concerts have ever done," dagdag ni Lumen.
Dalawampung taon ang nakararaan matapos mag-disband noong 2002, nananatili pa rin ang impluwensiya ng Eraserheads sa musikang Pinoy.
"We know there's magic. We don't how to do it, how to recreate it, how to formulate it. But there's definitely a magic," sabi ni Raymund.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News