Sa pagtapak sa kanilang ika-20 taon, binalikan ng cast ng "Bubble Gang" kung paano nagsimula ang ngayo'y longest-running gag show at itinampok nila ang mga skits and sketches na naging bahagi na rin ng kulturang Pinoy.
Ilan lamang dito ang "Ang Dating Doon" nina Brod Pete, Brod Willy at Brod Jocel kung saan kasama nilang naging patok sa mga Pinoy ang mga katagang "Alien!" at "Raise the roof!"
Ini-spoof din ng Bubble Gang ang samu't saring commercials, game shows, teleseryes, pati na rin ang GMA News program na "24 Oras" na naging "4 Oras."
Dito nakita ang pagiging "comedy genius" ni Michael V., na nagpasikat ng mga karakter nina Madam Rocha, Yaya Rosalinda, Tatalino, Bongbong at Mr. Assimo. Marami rin siyang ginawang parody ng mga kanta, tulad ng "Kung Kailangan Mo Bato," "Mamaw," "Ulam," at "Isaw Nga."
Inilahad naman ng beteranong singer na si Ogie Alcasid na nami-miss niya rin ang Bubble Gang, at binalikan ang pinasikat niyang karakter na si "Boy Pick Up."
Balikan ang "Dalawang dekadang tawanan sa "Bubble Gang" Anniversary Special. —Jamil Santos/LDF, GMA News