Labing-isang taon mula nang huli siyang makaengkuwentro ng dugong, muling nagkaroon ng pagkakataon si Doc Ferds Recio na makatagpo ng naturang hayop sa Calauit Island, Palawan.

Ngunit ang dugong na pinangalanang si "Aban," natatangi raw at palakaibigan kaya minahal na ito ng komunidad doon. Kung paanong binago ni Aban ang buhay ng mga residente, panoorin sa "12th Anniversary Series: The Friendly Dugong" ng "Born To Be Wild." —Jamil Santos/KBK, GMA News