Ipakikilala na ni Kobe Paras si Kyline Alcantara sa pamilya nito sa California sa susunod na taon.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "24 Oras," sinabing ipakikilala na ni Kobe si Kyline sa panig ng pamilya ng ina nitong si Jackie Forster.

“I have a lot of family from my mom's side in the States, so I would like them to meet Ky,” sabi ni Kobe.
Dahil dito, natanong si Kyline kung handa na siyang makita si Jackie.

“Definitely. Na-meet niya na po ang aking buong angkan, why not naman, ‘di ba? ‘Yung kaniya naman.”
Excited din si Kobe para sa pagtatagpo nina Kyline at Jackie.

“Not a lot of people have met my family from my mom's side, so it'll be exciting for me for them to meet Ky,” sabi ni Kobe.

Bukod dito, magdidiwang din sina Kyline at Kobe ng Pasko sa Bicol kasama ang pamilya ni Kyline.

Kinumpirma ni Kobe noong Nobyembre na dating sila ni Kyline.

Kasalukuyang bida si Kyline sa “Shining Inheritance.”

Samantala, sinabi ni Kyline na may bago rin siyang serye kasama ang isa pang Kapuso actress sa 2025.

“Mare ko siya, and I’m so happy na makakasama ko siya sa proyektong ito dahil alam ko, sa paggawa ng proyektong ito, marami akong matututunan sa kanya. Dahil idol ko siya ever since,” sabi niya. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News