Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, tinanong si Kathryn Bernardo kung handa na ba siyang umibig muli matapos nilang kumpirmahin ng dating nobyong si Daniel Padilla na hiwalay na sila noong Nobyembre 2023.

Sa naturang episode ng programa ni Tito Boy, pinag-usapan ang upcoming movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Again,” at mga natutunan niya sa 11 taong relasyon nila ni Daniel na nauwi sa hiwalayan.

Bago matapos ang episode, tinanong ni Tito Boy ang aktres na kung handa na siyang magmahal muli?

“Kahapon pa! Ready’ng ready na. Yes,” masayang sabi ni Kathryn.

Sa naturang panayam, inihayag ni Kathryn na walang siyang pinagsisihan sa 11 taong relasyon nila ni Daniel dahil nakatulong ito kung sino siya ngayon.

"I’m talking about growth, I’m talking about being unselfish, about gratitude, dreams and all. Lumaki ako sa 11 years ng relationship na ‘yon,” anang aktres.

“And when the break up happened, ang dami ko ring natutunan," saad niya at sinabing, "Feeling ko, I still don’t know the real definition of love."

Ayon pa kay Kathryn, mas gusto nila ang 'hello" kaysa sa"goodbye."

"I hate goodbyes, personally. Nakaka-sad," ani Kath, na sinabing mas makaganda ang "hello" dahil may dapat na i-look forward.

November 2023 nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup.

Mapapanood sa mga sinehan ang "Hello, Love, Again" simula sa November 13. — FRJ, GMA Integrated News