Ikinasal na si Michelle Madrigal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Neal sa Amerika.

Ibinahagi ni Michelle ang masayang balita sa kaniyang Instagram Reel ngayong Miyerkules.

Matatandaan na hindi kaagad ipinaalam ni Michelle sa publiko ang kaniyang bagong nobyo.

Sa video, makikita si Michelle na suot ang vintage-style white dress with a veil na wedding gown. Habang nakasuot ng navy blue tuxedo si Kevin.

Ayon sa dating aktres, ginanap ang kasal sa isang courthouse “in a deeply intimate union” na silang dalawa lang ni Kevin noong July 22.

“While we still plan to celebrate our wedding with our loved ones, for now, we are overjoyed to be married,” ani Michelle.

“We are two people seeking the Lord to grow individually and as a couple, and to guide Anika and our future children,” dagdag pa niya.

Binati naman ng mga follower at mga kaibigan sa showbiz si Michelle, kabilang sina Heart Evangelista, Doug Kramer, Donita Rose, at Janine Tugonon.

Nitong nakaraang Mayo, nagparamdam si Michelle na mayroon siyang kasama sa dinner date sa isang IG post. Hanggang sa kompirmahin na niya nitong nakaraang June na engaged na siya.

"I've kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision," sabi ni Michelle. "But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season."

Dating kasal si Michelle kay Troy Woolfolk, pero nauwi sa diborsyo ang kanilang pagsasama noong 2022. Mayroon silang isang anak na isinilang noong 2017. —FRJ, GMA Integrated News