Kinumpirma at nagbigay ng ilang impormasyon si Mo Twister tungkol sa paghihiwalay nila ng kaniyang ex-wife na si Angelika Schmeig, na kilala rin bilang si "Angelicopter."

Sa Episode 56 ng kaniyang podcast na "Good Times with Mo: The Podcast Year 13," sinabi ni Mo na nangyari ang paghihiwalay nila ni Angelika sa dapat sanang third wedding anniversary nila noong June.

"I got dumped on our [third] wedding anniversary," ani DJ sa podcast. "I don't want to talk about it extensively just yet, but that day, I don't think she knew it was our wedding anniversary. So, that sucks for me."

Hindi tinukoy ni Mo ang ugat ng kanilang paghihiwalay pero sa Episode 60 ng kaniyang podcast, binanggit niya ang ilang usapin tungkol sa kanilang pagsasama.

"There's a strong personality and a non-strong personality. And the strong personality tends to win, and I'm okay with that," ani Mo.

"Now, when she said [we've been] having a hard time since January, I don't know if it goes as far back as January, but it's been a couple of months," dagdag niya.

Binanggit ni Mo na magkaiba sila ng lifestyle ni Angelika gaya ng pag-iinom.

"I don't live the lifestyle that she lives, I don't drink," sabi ni Mo. "That's not fun for me."

"And if I see it all the time, that's not a life I want," patuloy niya.

Ayon kay Mo, maghahain sila ni Angelika ng divorce.

Ikinasal ang dalawa noong June 2021, at may isa silang anak. —FRJ, GMA Integrated News