Inalok na ng kasal ng basketball player na si Ray Parks ang content creator na si Zeinab Harake.

Sa Instagram, ibinahagi ni Zeinab ang magandang balita at nag-post din siya ng ilang larawan sa kanilang naging engagement.
 
Makikita si Ray sa larawan na nakaluhod sa harap ni Zeinab at may malaking background na "Marry me."

Ibinigay naman ni Zeinab ang kaniyang matamis na "Yes" na makikita sa caption.

Sa isang larawan, kasama ng dalawa ang mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia.

 

 

June 2023 nang kompirmahin ni Zeinab sa isang episode "Fast Talk with Boy Abunda," ang relasyon nila ni Ray. --FRJ, GMA Integrated News