Inihayag ni David Licauco na “taken” na ang estado ng kaniyang lovelife.

Sa Fast Talk segment ng Fast Talk with Boy Abunda, pinapili si David kung single siya o taken.

Nag-alangan pa muna sa pagsagot si David noong una hanggang sa sumagot siyang “taken” na siya.

Hindi pinangalanan ni David kung sino ito, ngunit inamin niya ring sinubukan niya noong manligaw ng isang aktres.

"I think we have to empathize with your partner. And for sure, marami kasing problema along the way, kailangan mong lumaban. Kailangan mong intindihin kung sa'n nanggagaling 'yung partner mo," sabi ng “Pulang Araw” star.

"So now talaga, mas naging ano ako eh, siguro understanding. Kailangan na noon," pagpapatuloy ni David.

Para pa sa kaniya, “the best kind of love is understanding and unconditional.”

Sa naturang Fast Talk segment din, sumagot si David na 35 hanggang 36 ang ideal age para sa kaniya na magpakasal. Mas gusto rin niya ang “kissing” kaysa “cuddling.”
Samantala, "someone who is smart and understanding" ang kaniyang ideal woman.

Kasama ni David sa Pulang Araw sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Alden Richards, at Dennis Trillo.

May upcoming movie rin sina Barbie at David na pinamagatang "That Kind of Love,” na ipalalabas sa Hulyo 10.-- FRJ, GMA Integrated News