“Some of them are good though. Ang problema ko lang kung minsan hindi sila masyadong nagfo-focus sa lines nila,” sabi ni Pilar sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.
“Like for instance, before I go to the set, I prepare myself… as far as the role is concerned, and I really, really prepare my dialogues and all of that. You have to be able to be prepared in every way,” pagpapatuloy ng batikang aktres.
Gayunman, may ilang mga batang artista siyang nakakatrabaho na tila hindi pa kabisado o saulado ang mga linya pagdating sa shooting.
“Minsan kinakausap ko ‘yan. Privately lang. Kinakausap in the sense na, I make it come out like it’s an advice,” sabi ni Pilar.
Bukod sa paging aktres, nagwagi si Pilar na Binibining Pilipinas Universe 1967. Napanood siya sa mga pelikula at ilang Kapuso shows gaya ng “First Yaya” at “First Lady.”
Samantala, ibinahagi rin ni Pilar ang kuwento sa likod ng kaniyang libro na may pamagat na "A Woman Without A Face." Panoorin ang naturang panayam sa video.-- FRJ, GMA Integrated News