Inilahad ni Joaquin Domagoso ang kaniyang saya nang maging isa na siyang ama, at nahanap na umano niya ang kaniyang misyon sa buhay.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, inihayag ni Joaquin kung ano ang natuklasan niya sa sarili ngayong isa na siyang tatay.

“That I can work harder than I think I can’t. There are things na before I feel like, ‘Hindi, kaya ko ‘yang pabayaan,’ ‘Huwag na. I don’t need to do this, I don’t need to do that,’” sabi niya.

“But now that I am older and I am a father, I have to do things for myself because I am a role model na rin eh. Kumbaga if I don’t do these things, my son, hindi niya ako susundan,” dagdag ni Joaquin.

Ayon pa sa aktor, masaya siya na may naghihintay na anak sa kaniyang pag-uwi.

“And there are other things na halimbawa, work. Working a 9 to 5 job, realizing how other people would go through it, ‘yung tipong you wake up for your son, you do all these things. Tapos at the end of the day, uuwi ka, hinihintay ka pa rin, all the joys,” anang Sparkle actor.

“‘Yung purpose ko sa buhay, nabuo,” sabi pa ni Joaquin.

Sinabi ni Joaquin na hindi naman nakaaapekto sa kaniyang lovelife ang kaniyang trabaho bilang artista.

“Sa aking love life ngayon po. I don’t want to say anything too much but right now, I’m in a very happy place,” pahayag niya.

Masaya rin si Joaquin na magsisimula nang pumasok sa eskuwelahan ang kaniyang anak na si Scott Angelo.

“I’m happy where my son is, he started school officially. So congrats sa little Scott. And of course, everyday, new memories are being made,” kuwento niya.

Wala ring pinagsisihan si Joaquin pagdating sa kaniyang desisyon sa pagiging ama.

“I stand by the decisions I made. And my career won’t stop itself because of my decisions. My will is as strong as my love for my son,” sabi ng aktor.

Taong 2022 nang inihayag ni Isko Moreno na may anak na ang kaniyang anak na si Joaquin sa nobya nitong si Raffa Castro.

https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/839337/isko-moreno-reveals-son-joaquin-is-now-a-dad/story/


Sa isa ring episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang taon, sinabi ni Joaquin na pinaplano pa nila ni Raffa ang kanilang kasal.


"Pinaghahandaan ito. You can't just decide like, 'I'll do this,' ta's magpapakasal na kami bukas. Gusto ko 'yung ipa-plano pa namin. I don't wanna do it just because may anak na kami kasi kawawa si Raffa," sabi niya.


https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/860108/is-joaquin-domagoso-planning-to-marry-his-girlfriend-raffa-castro/story/
--FRJ, GMA Integrated News