Sinelyuhan ni Dingdong Dantes ang kaniyang pagiging solid Kapuso sa kaniyang pagpirma ng bagong kontrata sa GMA Network nitong Huwebes.
Sa pagpirma niya sa GMA Network Center, hindi naiwasan ni Dingdong na maging emosyonal sa mga mensaheng ipinarating sa kaniya ng GMA Executives.
"Sa aking mga boss, maraming maraming salamat. Thank you po for those kind words, I truly appreciate them,” saad ng Kapuso Primetime King.
Pinasalamatan niya rin ang mga pagkakaibigang kaniyang nabuo sa pagtagal ng panahon, kabilang ang sa mga production crew, mga staff sa set, at kaniyang mga co-actor, kaya hindi niya malilimutan ang bawat yugto niya sa GMA.
"Pinagpapasalamat ko 'yun sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko rin ma-a-appreciate ng ganito ang biyaya at trabahong binigay sa akin ng GMA. Kaya maraming maraming salamat sa inyo,” ani Dingdong.
Present sa contract renewal sina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, GMA Network President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group and President and CEO of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes; GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilibeth Rasonable, GMA Network Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV, Synergy Oliver Victor B. Amoroso, GMA Executive Vice President for GMA Pictures and First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon; GMA Senior Vice President for Corporate Strategic Planning and Business Development and concurrent Chief Risk Officer and Head of Program Support Regie C. Bautista, and Chief Marketing Officer and Head of Sales and Marketing Group Lizelle G. Maralag.
"Ako na mismo magpapasalamat na pumirma siya ulit, nirenew ang kaniyang contract sa GMA," sabi ni Atty. Gozon. "Sa tingin ko, 'pag magaling ka ay lalo kang gagaling 'pag sumama ka sa GMA. Ang exhibit one ay none other than Dingdong Dantes."
"Pero ito lang ang masasabi ko. Hindi pa niya nararating ang pinakatuktok ng kanyang mararating. Hindi kamukha kong matanda na na pababa na, si Dingdong pataas pa. Kaya Dingdong, maraming maraming salamat. And I hope GMA and you will go higher together," dagdag ni Atty. Gozon.
Bago maging Kapuso Primetime King, bumida muna si Dingdong sa youth-oriented show na “T.G.I.S.” bilang kaniyang unang series sa Kapuso Network.
Bumida rin siya sa ilan pang Kapuso series gaya ng “Encantadia,” “Alyas Robinhood,” at “Dyesebel.”
Sa kasalukuyan, si Dingdong ang host ng “Amazing Earth” at “Family Feud.” — RSJ, GMA Integrated News