Ikinuwento ni Rachel Alejandro na minsan niyang nasaktan ang damdamin ni Dolphy dahil sa sobrang pagiging seryoso at focus niya sa trabaho kaya inaakala ng iba na hindi siya namamansin.
“Medyo na-misinterpret nila ‘yung seriousness of the face. As they say ‘di ba, ‘resting b**** face,’” sabi ni Rachel sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
“So driven. And I’m always thinking of what I’m going to do, hindi ako puwedeng magkamali, to the point na unfortunately may legends in the industry na minsan nadadaanan ko sila sa hallway tapos hindi ko napansin dahil I’m thinking about my lyrics. Na-offend sila,” pagpapatuloy niya.
Ayon kay Rachel, isa na rito si Tito Dolphy sa mga hindi niya agad napansin kaya humingi naman siya rito ng paumanhin.
“Sabi niya, ‘Iyang si Rachel Alejandro hindi marunong magbigay ng respeto.’ Tapos talagang ‘Tito Dolphy!’ talagang apologies. ‘I didn’t see you,’” anang actress-singer.
Dahil sa kaniyang karanasan, natuto na si Rachel mas ngumiti pa sa mga tao sa kaniyang paligid.
“That would happen before, that does not happen anymore. Kasi now, as an older person I know na na I’m in the room, I have to greet everyone, I have to smile. Kasi alam ko na eh na ate, hindi ganu’n ka-friendly ang mukha mo, kailangang gumano’n (ngumiti). Automatic na siya sa akin.”
“Alam ko nang matapang ang fez (face), so kailangan may smile. Hindi pupuwede ‘yung nakaganu’n (kaunting ngiti) lang o nakatanga because then it will be misinterpreted as being upset,” dagdag pa niya.--FRJ, GMA Integrated News