Inilahad nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at anak niyang si Isabelle Daza ang kanilang saloobin na dapat magkaroon ng “fairness” sa mga ipinatutupad na bagong batas sa Miss Universe.
“This is a very controversial topic. This is probably a very unpopular opinion. I agree with what my mom said before where if it is Ms. Universe and it’s including everybody, then it will just be ‘Universe,’ right?” saad ni Isabelle sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
“There is some sort of kind of like barrier,” pagpapatuloy ni Isabelle.
Nilinaw ni Isabelle na pabor siya sa “inclusivity” at “equality.” Gayunman, iba ang kahulugan ng mga ito sa “fairness.”
“I liked what Caitlyn Jenner said before. She said that people mistake fighting for equality and fighting for fairness to be the same thing,” sabi ni Isabelle.
“So if you have transgenders in sports, it’s not necessarily fair,” pagpapatuloy pa niya.
Si Gloria naman sinabing dapat may kaniya-kaniyang paligsahan sa Miss Universe para sa iba’t ibang klase ng tao.
“In ordinary words, kailangan transvestites, kailangan may Ms. Transvestite Universe. Tomboy, may Ms. Tomboy Universe. Bakla, transgender, whatever, lahat ng politically correct, kaniya-kaniya. Sa Ms. Universe, dapat Ms. Universe,” anang beauty queen.
Naobserbahan din ni Gloria na ginagawang basehan ng ilan ang pisikal na kaanyuan.
“Pero iba na talaga ngayon. Kasi ngayon, let’s say, mag-join ka ng isang beses, natalo ka, makikita mo ang ilong mo medyo pango, sige, gawin mong maayos. Maliit ang boobs, taasan mo ang boobs,” sabi niya.
Sinabi ni Gloria na bukas siya kung susubukan ito ng ibang tao, ngunit hindi ito para sa kaniya o para sa kaniyang anak.
“Ako, open ako for other people. But not for me, not for my daughter.”
“I think during her time in 1969, everybody really joined for their beauty and not an altered appearance,” pagsegundo naman ni Isabelle tungkol sa kapanahunan ng kaniyang ina.
“And it was not too financially motivated,” dagdag ni Gloria.
“I guess times have changed and things have evolved, which is good,” sabi ni Isabelle.
Biro naman ni Gloria, ang dahilan kung bakit hindi sumali si Belle sa Ms. Universe ay gagawa siya ng eskandalo kung hindi mananalo ang kaniyang anak.
“Sabi ko nga kay Belle noon, ‘Belle o ano? If mag-join ka ng Ms. Universe, ako ang bahala sa ‘yo. Kapag natalo ka, iskandaluhin ko silang lahat. That’s the reason hindi nag-join ito,” ani Gloria.
“‘Mom I know you’ll do that,’” pag-alala pa niyang sinabi sa kaniya ni Isabelle.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News