Ipinasilip ng aktor na si Niño Muhlach kung papaano ginagawa ang sikat nilang paninda na ensaymada.
Sa programang "Unang Hirit," sinabi ni Niño na recipe ng kaniyang lola ang ensaymada na unang ginawang negosyo ng kaniyang ama noong 1993.
Pero kinalaunan, tumulong na rin silang magkakapatid sa pagpapatakbo nito hanggang sa maging family business na.
On a regular basis, sinabi ni Niño na nakakagawa sila ng 3,000 piraso ng ensaymada, at nagiging doble kapag may okasyon tulad ng Pasko.
Ang tanging sikreto raw ng kanilang ensaymada, hindi nila tinitipid ang sangkap.
Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya sa ibang nais magnegosyo, sinabi ni Niño na kailangan mahalin ang ginagawa.
"Kailangan mahalin mo ang ginagawa mo, dapat maniniwala ka sa produkto mo. Once na mahal mo ang ginagawa mo at naniniwala kang masarap ang produkto mo, siguradong mabebenta 'yan," payo ng aktor.
Panoorin ang video para makita ang proseso kung papaano inihahanda ang masarap na ensaymada ng pamilya ni Niño.-- FRJ, GMA Integrated News