Sa kabila ng mga ulat na hiwalay na sila, nais pa rin ni Dominic Roque na protektahan ang kaniyang ex-fiancée na si Bea Alonzo.

Sa Facebook account ng aktor, ni-report ni Dom ang isa kaniyang Reels na una niyang pinost noong 2022. Pagbati niya ito sa kaarawan ni Bea na makikita ang mga pagbiyahe at mga date nila ng aktres.

BASAHIN: Prenup agreement, 'di naging isyu kay Dominic sa kasal sana nila ni Bea —Boy Abunda

Nilagyan niya ito ng bagong caption na nagsasaad na, “Bea's a beautiful person inside n out," na may kasamang puting heart emoji.

Pakiusap niya sa publiko, “no hate/bashing/negative things please...”

Nitong Martes, inihayag ni Boy Abunda sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda" na kumpirmadong hiwalay na sina Bea at Dom, batay na rin sa impormasyon mula sa kaniyang mga mapagkakatiwalaang sources.

BASAHIN: Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng larawan ng 'wolf in sheep's clothing'

Sinabi pa ng King of Talk na patuloy na sinusuyo ng aktor si Bea.

Hinikayat din niya ang publiko na huwag husgahan ang dalawa sa nangyari sa kanilang relasyon.

Kinumpirma ni Bea at Dom ang kanilang relasyon noong 2021 at naging engaged noong July 2023.
Plano sana nilang magpakasal ngayong taon. —FRJ, GMA Integrated News