Kabilang si Kris Aquino sa mga celebrity na nagluluksa sa pagpanaw ni Deo Endrinal, na namuno sa Dreamscape Entertainment. Ibinahagi rin ni Kris ang naging epekto ng "pride" sa naging relasyon nila ni Edrinal na hangad niyang maging "aral" para sa iba.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Kris ng lumang larawan nila ni Endrinal noong magkasama pa sila bilang Kapamilya.

Aminado siyang nagkalayo sila ni Endrinal mula ang umalis siya sa Kapamilya channel pero, "he shall ALWAYS remain the reason I learned the importance of honoring the job you’ve been given."

Ayon kay Kris, si Endrinal ang kaniyang manager noong 28-anyos siya at single mom. Itinuro umano sa kaniya ni Endrinal ang pagpapahalaga sa trabaho at magtakda sa sarili ng 12am curfew.

"He said: You have a morning show that airs LIVE at 11am. If you’re seen out until 3am, the staff in that restaurant may mga nanay at asawa, audience mo sila. Nasa studio ka ng 9am, meaning bumangon ka para maligo at 7:30. Paano ka gagalangin ng audience mo kung hindi mo binibigyan ng importansya ang trabaho mo?” balik-tanaw ni Kris.

Sa panahon na marami ang nagdududa sa kaniya, sinabi Kris na Endrinal ang naniwala sa kaniyang kakayahan.

Bukod sa itinuro umano sa kaniya ni Endrinal ang kahalagahan ng professionalism, respect, at generosity, sinabi ni Kris na itinuro din sa kaniya ni Endrinal ang paghiwalayin kung ano ang personal at professional.

“He fought for me when I asked to take an indefinite leave from SNN & The BUZZ during my mom’s last few weeks alive because he understood why I refused to leave her hospital room,” patuloy niya.

Kasabay nito, humingi siya ng paumanhin kay Endrinal na ninong ng kaniyang anak na si Bimby.

“My wrong choice prevented us from being each other’s support system when we should’ve been there for each other,” sabi ni Kris sabay paliwanag kung bakit niya ito ibinahagi. "For others to see that pride in the end only leaves us with regret."

Sa pagtatapos ng kaniyang post, sinabi ni Kris na hindi niya kailanman ini-“unloved” si Endrinal.

"I am proud to declare — I’d never have become KRIS without the magical guidance of the creative genius that was DEO ENDRINA," ayon kay Kris.

 

 

Kinumpirma ng anak ni Endrinal na si PJ nitong Sabado ng gabi ang pagpanaw ng kaniyang 60-taong-gulang na ama.

Sa ulat ng PEP.ph, sinabing multiple organ failure ang sanhi ng pagkamatay ni Enrinal. — FRJ, GMA Integrated News