Binansagan si Jillian Ward bilang ang "Pambansang Fiancée" dahil sa kaniyang game na pagsusuot ng mga singsing na inaabot ng ilang fans sa mga motorcade.

Sa ulat ng Saksi, mapapanood ang video ng isang fan na animo'y nag-propose kay Jillian at sinuotan siya ng singsing.

 

@jillianwxrd

 

? yes, and? - Ariana Grande

 

Sa isa pang viral video, mapapanood ang isang fan na di bumitaw sa misyong masuotan lang si Jillian ng singsing.

 

@jillianwxrd

Love ko kayo!! ????

? original sound  - Jillian Ward

 

Ang isa namang magbabarkada, nag-group effort pa para suotan din ang "Abot Kamay na Pangarap" star ng singsing.

"May kalawang pa eh," biro ni Jillian.

 

@jillianwxrd

May kalawang pa eh

? yes, and? - Ariana Grande

 

Gumaganap si Jillian bilang si Doc Analyn Santos sa "Abot Kamay na Pangarap."

Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng "Abot Kamay na Pangarap" nito noong Setyembre.

Kasa-kasama ni Jillian sa TV series sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Klea Pineda at marami pang Kapuso stars. — VDV, GMA Integrated News