Ibinahagi nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang gender o kasarian ng kanilang paparating na anak.

Sa Instagram, nag-post si Rambo ng highlights sa ginanap nilang gender reveal party na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at celebrity friends.

Kapuwa puti ang kasuotan ng mag-asawa, na labis ang tuwa nang makitang bumuhos ang pink na confetti sa venue na indikasyon na babae ang kanilang magiging anak.

 

 

Nitong nakaraang Disyembre nang ianunsyo nina Maja at Rambo ang magkakaroon na sila ng anak.

Ikinasal ang dalawa sa Bali, Indonesia noong nakaraang Agosto, at isinagawa sa Cairo, Egypt ang kanilang prenup shoot.

Naunang ibinahagi ni Maja na 21-anyos siya nang una niyang maging nobyo si Rambo pero naghiwalay sila para tutukan ang kani-kanilang prayoridad sa buhay.

Taong 2019 nang muli silang magkabalikan. —FRJ, GMA Integrated News