Sa Instagram post, humingi ng dasal ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kaniyang fans at followers kaugnay sa ilang health issue na kaniyang kinakaharap.

Ayon sa aktres, mayroon siyang ubo na hindi nawawala, at sumailalim din siya sa MRI scan kaugnay ng kaniyang mga dating injuries sa tuhod at lower back.

Nalaman din ni Sharon na mayroon siyang scoliosis, nang sumailalim siya sa x-ray.

"I need to know why now my pinched nerve has 'travelled' to the right side of my body and/or if I have any new injuries and such," saad niya.

"I've been limping since our trip to Seoul from January 2-10 for my birthday and it's just gotten worse so am scared," dagdag niya.

Nagpapasalamat si Sharon sa kaniyang fans dahil sa mga mensahe na kaniyang natatanggap habang nagpapahinga siya.

"I pray that the MRI results won't be too scary. And that this virus I caught anuman siya goes away na. I miss and love you all," ayon sa aktres.

 

 

Katatapos lang ipalabas ang pinabidahang pelikula ni Sharon na "Family of Two" na kasama niya si Alden Richards.

Kamakailan lang, ibinahagi ng aktres ang posibleng proyekto na gagawin niya sa Amerika.—FRJ, GMA Integrated News