Kasabay ng pag-alaala sa kaarawan ng kaniyang namayapang ina na si dating Pangulong Cory Aquino, inilahad rin ni Kris Aquino ang kaniyang saloobin kaugnay sa kaniyang pinagdadaang pagsubok sa kaniyang kalusugan.
Sa Instagram Stories, nag-post si Kris ng larawan niya na may nakasaad na, “Unfortunately, I'm suffering from a bad flare and very clogged sinus passages.”
Inihayag din ni Kris na nami-miss niya ang kaniyang ina na si Cory, na nitong Huwebes ang kaarawan.
“Even after nearly 15 years, any child who has lost their mom will agree, we still miss them so much. I keep going because i saw how much my mom endured: through all her procedures, chemotherapy, radiation etc because she felt her kids weren't ready and needed time to accept that she'd no longer be around,” saad ni Kris.
Kasunod nito ang paghiling niya na makakuha sana siya kahit ng kaunting katatagan ng kaniyang ina.
“Mom, may i have even just 20% of your courage & ability to surrender to God's will? It's getting more difficult to stay strong," ayon kay Kris
Taong 2009 nang pumanaw si Cory dahil sa sakit na colon cancer.
BASAHIN: Simbulo ng demokrasya na si ex-Pres. Cory Aquino, pumanaw na
Taong 2022 naman nang magtungo sa Amerika si Kris para ipagamot ang kaniyang autoimmune conditions.
Kamakailan lang, inihayag ni Kris sa kaniyang health update sa social media na may sintomas na siya ng early stage ng lupus.
Gayunman, tiniyak ni Kris na patuloy niyang lalabanan ang kaniyang mga karamdaman.
"I promised my sons and my sisters I won't be a wimp," saad niya. "Bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban."
Kasunod nito, inihayag ni Kris na posibleng umuwi ng bansa ang anak niyang si Bimby para magtrabaho dahil sa tumataas na gastusin sa kaniyang pagpapagamot.--FRJ, GMA Integrated News