Parehong naging emosyonal sina Boy Abunda at Chanda Romero nang mapag-usapan ang malalim nilang pagkakaibigan, lalo noong mga panahong tinulungan ng King of Talk ang aktres nang dumaan ito sa matinding pagsubok sa buhay.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabi ni Tito Boy na halos 15 taon na niyang hindi nakita si Chanda, na kaniyang panauhin sa programa.
“There are friends who don’t see each other that long, pero ang lakas ng loob kong sabihing kaibigan kita. Dahil sobrang pagmamahal ko sa ‘yo. At ang respeto ko talaga sa ‘yo hanggang doon,” sabi ni Tito Boy kay Chanda.
Inihayag naman ng aktres ang ginawang pagsagip sa kaniya ng TV host nang nasa kaniyang "lowest point" ng kaniyang buhay.
“At the lowest point of my life, you and Robert really picked me up from the pits of my life. And you practically saved my life. I wouldn’t be here if you hadn’t been there, of course. Outside of the family, you and Robert saved my life,” sabi naman ni Chanda.
“I was coming from a space of love,” tugon ni Tito Boy.
Sunod na inilahad ni Tito Boy na miss na niya ang ina ni Chanda na si Remedios Romero.
“I got some of the most meaningful letters from her,” anang talk show host tungkol sa ina ni Chanda.
Pumanaw si Remedios Romero noong 2020, na nagpositibo noon sa COVID-19.
“I was so sad, because when she passed on, you couldn’t even go home,” pakikiramay ni Tito Boy kay Chanda.
“If I could only just get wings and fly to Cebu,” sabi ni Chanda. “It broke my heart because during the days of the COVID, I was trying to warn her. She on her part naman just wanted to go out, see friends.”
“Ako I said ‘Mom if you’re not careful and something happens to you, and you have comorbidities, it is going to be a very lonely death,’” paalala ni Chanda noon sa ina.
“And it was. Hindi ako nakauwi. That was so difficult,” pag-alala niya.
Ayon pa kay Chanda, ang kaniyang kapatid lang ang nagdala sa kanilang ina sa emergency room.
“My brother says, ‘When she turned her back, that was the last that he saw her alive,’” naluluhang sabi ni Chanda.
Dahil sa nakahahawa ang COVID-19, ipinagbawal na may kasamang kamag-anak ang pasyente, at iniuutos na i-cremate ang pasyente kapag pumanaw.-- FRJ, GMA Integrated News