Ipinakita na ni Pauleen Luna ang mukha ng bagong baby nila ni Vic Sotto.

Sa kaniyang Instagram post, ipinakilala ng TV host-actress si Thia Marceline Sotto, na Mochi ang nickname.

Isinilang ni Paulene si Mochi nitong Martes, January 23, 2024, at may timbang na 8.2 pounds.

Sa caption ni Pauleen, pinasalamatan niya ang kaniyang supporters, “Thank you for all your prayers and well wishes!”

 

 

Nitong Miyerkules, ipinasilip din ni Pauleen ang chubby cheeks at lips ni Mochi sa Instagram Stories.

Si Mochi ang ikalawang anak nina Pauleen at Vic.

Ang anim na taon gulang na panganay nilang anak ay babae rin na si Tali. —FRJ, GMA Integrated News