In a relationship na nga ba ngayon ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mystery guy na kasama niya sa isang mall?

Sa isang TikTok video na ini-upload ng celebrity coach na si Francis Simon, tinanong niya si Kylie tungkol sa naturang mystery guy.

“Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila eh. Sino ba ‘yung kasama mo sa mall ‘yung nakaputi?” tanong ni Francis, sabay sabi pa na mahaba ang buhok nito.

“Ay! ‘Yun ba?” saad ni Kylie. “‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon.”

Tinanong din ni Francis ang aktres kung kilala niya ang lalaki, natatawang sabi ni Kylie, “Parang kilala mo kuya, parang kamukha mo nga eh.”

 

@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla ???? ? original sound - fjtsimon

 

Bagaman walang pangalan na binanggit sina Kylie at Francis, ilang netizens ang nagkomento sa post at binanggit ang pangalan ng tattoo artist na si Jinno John Simon.

“Bagay sila ni kylie lakas ng dating ni jinno,” sabi ng isang netizen.

Sumagot naman si Francis ng: “Hehe."

Taong 2021 nang maghiwalay sina Kylie at dati niyang asawa na si Aljur Abrenica, na karelasyon ngayon ni AJ Raval, na anak ng aktor na si Jeric. —FRJ, GMA Integrated News