Ipinapaaresto ng Pasay City court ang vlogger  na si Toni Fowler, ayon sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes.

Sa ulat ni Luisito Santos, sinabi na ang arrest warrant ay mula sa Pasay Regional Trial Court-Branch 108.

Kaugnay ito sa kinakaharap na kaso ni Toni na paglabag  Article 201 of the Revised Penal Code, in relation to Section 6 of Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nagrekomenda naman ang korte ng P120,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

 

 

Ipinapaaresto ng Pasay City court ang vlogger na si Toni Fowler, ayon sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes.

Ang kaso laban kay Toni ay mula sa reklamo noong September 2023 ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP) dahil sa umano'y "obscene" music videos ng vlogger.

Ayon sa KSMBP, nilabag ni Toni ang freedom of expression dahil sa mahalay umanong liriko at tagpo sa kaniyang music videos.

Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang panig ni Toni.

Sa hiwalay na ulat ni Nimfa Ravelo, sinabi nito na nakapagpiyansa na si Tonio kaninang dakong 4:30 pm.

 

 

FRJ, GMA Integrated News