Maraming tanong ang nakabitin sa pagtatapos ng unang season ng "Gyeongseong Creature” sa Netflix.
Sa mga nakapanood sa naunang mga episode ng serye, naiwan ang mga katanungan sa kung ano ang nangyari sa "halimaw," sa sanggol, at sa karakter ng mga bidang sina Park Seo Jun and Han So Hee.
Ang naturang mga tanong ay mabibigyan naman ng kasagutan sa Season 2 ng series.
Sa post-credit footage na inilabas ng Netflix, ipinakita ang karakter ng isang “Ho-jae, ” na kamukha ni "Jang Tae-sang" na karakter ni Park Seo-jun, habang nakatanaw sa bintana.
Kapansin-pansin din sa kaniyang batok ang tila pilat na katulad ng marka ng parasite na dahilan ng pagiging halimaw ng tao.
Sa pahayag, ibinahagi ng direktor nito na si Chung Dong-yoon ang kaniyang vision para sa susunod na bahagi ng “Gyeongseong Creature’s” na, “Season 2 presents a story with a completely different charm."
"The change in space and time period will provide a clear distinction, offering an expanded universe feel,” dagdag niya.
Magkaroon din kaya ng parasite ang mga karakter nina Park Seo Jun at Han So Hee sa Season 2? Abangan. — FRJ, GMA Integrated News