Humabol ng kasal bago matapos ang 2023 sina Angelica Panganiban at kaniyang partner na si Gregg Homan.

Sa araw ng Bagong Taon, nag-post ang aktres ng ilang larawan ng kasal nila ni Gregg. Kasama rin nila sa kasal ang kanilang anak na si Amila.

Suot ni Angelica ang simpleng puting wedding dress, habang tanned suit naman ang suot ni Gregg.

"123123. Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan," saad ni Angelica sa caption.

"Maligayang bagong taon - Mrs. Angelica Panganiban Homan," sabi ng aktres.

 

 

Naging engaged sina Angelica at Gregg habang buntis ang aktres. Isinilang ni Angelica si Amila noong Setyembre.

Ipinagdiwang ni Angelica ang kaniyang ika-37 kaarawan noong Nobyembre. —FRJ, GMA Integrated News