Pumanaw na ang singer-comedian na si Jograd dela Torre, na kinumpirma ng kaniyang anak.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, inihayag ni Abba, anak ni Jograd, na dahil sa karamdaman ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang ama.

“Good evening po, this is Abba the daughter of Jograd Dela Torre. Sa lahat po ng nagtatanong sa kung anong nangyare kay daddy, nagkaron po sya ng acute hepatic failure, chronic liver disease, alcoholic liver disease, and pumalo po ng 500 ang sugar ni daddy,” saad niya sa post.

Ibuburol ang mga labi ni Jograd sa St. Peter Chapels sa Sampaloc, Manila, sabi pa ni Abba.

Sinabi rin niya na maaaring magpadala sa GCash account 09684480500 (Elma David) ang mga nais magbigay ng pinansiyal na tulong para sa pamilya.

Kabilang sa mga naging proyekto ni Jograd Okleng Tokleng (1986), Cubao Kid: Until the Last Bullet (2017), at nakasama rin nina Nora Aunor at German Moreno sa musical variety show na "Superstar.” —FRJ, GMA Integrated News