Buwis-buhay na umkayat si Jared Leto sa Empire State Building sa New York para ianunsyo ang upcoming world tour ng banda niyang 30 Seconds To Mars sa susunod na taon.

Sa video ng Gotham Films/Vancal Cine, na mapapanod din sa ulat ng Saksi, makikita ang pigil-hiningang Hollywood stunt ng actor at singer.

Ligtas na nakaakyat si Jared gamit ang harness at rope.

Sinabi ni Jared sa isang post na nabighani na siya sa Empire State Building kahit noong bata pa lamang.

Ang kanilang album ay tungkol sa pagtupad ng mga pangarap. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News